Kaibigan Kailanman
Ni: Kara Lei E. Valle
Sa lahat ng oras
Ika'y nakakasama
Sa lahat ng oras
Pag-aaruga'y nadarama
Sa lahat ng oras
Ika'y naging tunay
Sa lahat ng oras
Kasama ka sa buhay
Kaibigan kang ituturing
Luluha man ika'y darating
Kaya 'pag ika'y darating
Hapdi sa puso'y gagaling
Sa kahit anong dahilan
Ika'y di magawang iwanan
Kung ika'y sinasaktan
Walang tatantanan
Kaibigan sa lahat ng panahon
Kahit mahulog ang huling dahon
Asahan mong 'di ka iiwan
Ashan mong hindi ka iiwan
Asahan mong di ka sasaktan
Mayroon mang mga tampuhan
Ano man ang maging dahilan
Turing ko sayo'y kaibigan kailan man
Ang tulang ito ay sinulat ko noong 4th year high school ako at ipinasa para sa school paper.
Miss na miss ko na talaga ang high school life >.<
No comments:
Post a Comment